Ito pala ang pinakamaganda, mabait at pinakamahal kong mama.

photo_2016-11-04_21-21-43

Ang mama namin ay sobrang sipag, maasikaso at mapagmahal. Si mama ang klase ng ina na hindi agad sumusuko kahit maraming problema ang dumarating sa aming pamilya. Siya ang nag turo sa amin kung paano mamuhay ng simple at may respeto sa ibang tao. Nakita namin ang pagsisikap ni mama simula pa noon hanggang ngayon at alam niyo ba na di pa kami pinapanganak ay nag titinda na si mama ng ulam at hanggang ngayon. Kaya sobrang sarap mag luto ng mama ko, halos lahat siguro ng luto alam niya. Noong elementary pa ako ay nag bebenta siya ng ulam sa mga teacher sa school namin araw-araw para maitaguyod lang kami at maka suporta sa pag-aaral namin at hindi namin yun ikinahihiya dahil dun kami nabubuhay. Kumakayod siya araw-araw kasama ang papa ko para lamang mairaos ang aming pamumuhay. Di man nag kolehiyo ang aking mama at wala man siyang nakuhang magandang kurso. Pero para sa aming magkakapatid ang  aming mama ay isang professional dahil siya ay matiyaga,masinop at may disiplinang tao.

photo_2016-11-04_21-13-21

Kung ang pilipinas ay may Bayaning si Jose rizal ako naman ay may bayaning si Carmelita Durano,  pag sinabe mong bayani ang isang tao meron itong ginawang makasaysayan o hindi makakalimutang bagay o isang utang na loob. Bakit ang mama ko ang aking bayani? Simple lamang ang sagot ko dahil siya ang taong pinoprotektahan kami sa anumang bagay na pwedeng makasama sa aming magkakapatid. Gaya ni Jose Rizal ipinagtangol niya tayo sa mga dayuhan na gustong sumakop sa atin at sa ating bansa.

photo_2016-11-04_21-21-38

Kahit ni minsan ay di pa kami naka tikim ng palo galing kay mama simula pagka bata hanggang ngayon kasi sabi niya nasasaktan daw siya pagnakikita niya kaming nasasaktan. Kaya noong panahon na sobrang kulit namin at kapag pinapalo kami ni papa ay siya ang laging sumasalo sa lahat ng sakit. Kaya tinawag ko siyang “Super Mama” kasi para siyang isang super hero na laging nandyan pag may problema kami at lagi niya kaming pinoprotektahan.

photo_2016-11-04_21-21-35

Ito lang ang masasabi ko sayo ma, hindi ko man naipapahayag ang pagmamahal ko sayo araw-araw at hindi ko man nasasabi sayo ang salitang I love you araw-araw pero ang pag mamahal at pag adore ko sayo ma ay laging nandito sa puso ko. I want to tell you ma that every year I crown you with the “ Pinaka The Best Mama of the Year” award. You are an amazing mama and you are the most beautiful mama sa buong universe. I thank God for giving us a wonderful mama as you! I really love you ma! We love you ma!

photo_2016-11-04_21-13-26

HAPPY HAPPY BIRTHDAY! ALWAYS STAY PRETTY AND SEXY MA!