Sabi nga ng karamihan, may standards daw sa pagpili ng taong makakasama o makakarelasyon natin. Kagaya sa pagkain, hindi lamang sakto sa paningin ang nais nating gawing boyfriend o girlfriend. Kailangan, pati sa panlasa, sila ay swak din.

Sa pagpili, kailangan nating maging maingat at mabusisi. Dahil sa sobrang pagmamadali, minsan, naiiwan ang puso nating sawi.

Narito ang ilan sa mga gabay sa tamang pagpili.

Una, aminin man natin o hindi, sa pagpili ng boyfriend/girlfriend, isa sa pinakauna nating tinitingnan ang mukha ng taong nanliligaw o balak nating ligawan. Kadalasan, nagsi-set tayo ng ideal characteristics ng nais nating makakasama. Sabi pa ng mga babae, they want their guy to be tall, dark, and handsome. Saad naman ng mga lalaki, they want their girl to be cute and sexy.

But mind you people, hindi ganun ka-importante ang mukha kapag nagmahal ka. Pero hindi rin naman ibig sabihin na kahit yung mukhang kalabaw na sobrang daming putik sa paa e pwede na. Choose a person na presentable. Yun bang hindi naman kasing gwapo ni Daniel Matsunaga o kasing ganda ni Liza, pero kapag nag-ayos at pumorma, tiyak mapapa wow ka talaga. Mamili ka ng taong kahit saan hindi ka mahihiyang isama. Hindi dahil sa gwapo o maganda niyang mukha, o sa mamahalin niyang damit, kundi dahit sa ayos niyang simple, pero elegante.

Pangalawa, sa pagpili ng magiging boyfriend o girlfriend, kailangan ding isa-alang alang ang pag-uugali. Piliin mo yung taong hindi lang alam ang salitang pakikipagkapwa ngunit marunong din mismo sa pakikipagkapwa. Treating your fellow citizen right could also mean treating your girl/boy right. Mahalaga ang pagiging magalang. Ito ay simbolo ng kabaitan –kabaitan na siyang simula ng maayos at matiwasay na pakikipag-ugnayan.

Pangatlo, kilalanin at piliin mo yung taong handang sumabay sa mga trip mo sa buhay. Sabi pa nga ng isa kong kaibigan, gusto niya raw yung babaeng sa halip na magagalit kapag siya ay nagdo-Dota e kayang makipagsabayan ng laro sa kanya. Boys would often like a girl na kayang sabayan mga trip nila. Yung babaeng marunong mag basketball, yung babaeng rider ng motorsiklo at hindi takot mapaso ng tambucho.
Girls, whether you accept it or not, karamihan sa mga babae madaldal at OA. Tanggapin man natin o hindi, description na yun nila. Ang kailangan lang nila ay yung taong kayang makipagsabayan sa kadaldalan nila. At kapag may PMS sila, gusto nila yung lalaking kayang pagpasensyahan ang katarayan nila.
Wala nang mas sasaya pa sa relasyong maliban sa alam niyo at tanggap ang ugali ng bawat isa e pareho rin kayong nagkakasundo sa pag gawa ng mga bagay na mas ikatatatag ninyong dalawa.

Pang-apat, bago pumasok sa isang relasyon, nararapat na alamin mo muna ang estado ng buhay ng manliligaw o nililigawan mo. Do a background check. Hindi dapat maging kampante sa kanyang sinasabi. Marami ng naglipanang manloloko ngayon. Kaya kung ako sa’yo, bago pa mapagod ang iyong mata sa kakaiyak at bago pa sumabog dahil sa kirot ang puso mo, mas maiging ika’y magpakasigurado.

Panghuli at ang pinakaimportante sa lahat. Pakinggan mo ang tinitibok ng puso mo. Pinakamahalaga sa lahat yung alam mong mahal mo ang isang tao. Lahat ng standards mo mawawalan ng bisa kapag puso na ang nagsalita. Sabi nga sa kanta no Donna Cruz “Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.”

Yan ay iilan lamang sa mga bagay na maaari ninyong patnubay at gabay para makahanap ng tama at maayos na kaagapay sa buhay. Sa huli lahat ng inyong desisyon ay nakasalalay pa rin sa inyong mga kamay. Nawa ito ay kapulutan ninyo ng aral at maging instrumento sa inyong pagkamit ng ligayang tunay.

By: Nathan Barnt