Paano Ba Talaga Mag Move On?

I’ll be honest sa inyo: Di talaga madali ang mag move on lalo na kung minahal natin ng sobra ang taong naging bahagi na at nag bigay saya sa buhay natin. Hindi naman madali na kalimutan lahat ng nangyari sa isang relasyon dba?

Lalo na ang mga masasayang alaala na kahit kayo lang dalawa magkasama ay okay na at kumpleto na ang araw ninyo. Pero may kasabihan nga tayo na kung “Gusto may paraan, kung ayaw may dahilan”. I mean, you want to move on right? Just forget about the past kahit masakit. Na kahit anong gawin mo ay parte talaga ang sakit at di talaga nawawala ang sakit kapag dumadaan tayo sa proseso ng pag momove on.

Alam niyo na the process of moving on takes time, probably longer than you might think. Kasi ako, it took me 2 years bago ako naka move on sa masakit na kahapon ko. Imagine 2 years ang sinayang ko na dapat sana naging masaya ako sa mga panahong iyun. If you can’t forget your past then you can’t move on but after reading this; I think it might be the right time to free yourself.

Here are my personal 5 steps to help you in this healing journey.

5 USEFUL STEPS ON HOW TO MOVE ON.

1.You must recognize na hindi talaga siya para sayo

Isa talaga ito sa mga malaking dahilan bakit nahihirapan tayo mag move on kasi lagi natin nakikita o iniisip na siya na ang “The One” para sa atin. Alam mong hindi ka talaga makaka move on kung sa isip at puso mo siya parin, kasi mas marami pang taong naghihintay sa pag mamahal mo at higit pa sa kanya na para talaga sayo at matatawag mong “The One” kaso nagbubulag-bulagan ka kasi. Wag kang mag expect na babalik pa siya sayo kasi kung kayo talaga sa isat-isa, kahit baliktarin man ang mundo kayo talaga. Isipin mo na nangyari ang mga bagay kasi may rason ito. Pinaghiwalay kayo kasi di pa ang tamang oras o pinaghiwalay talaga kayo kasi di ka naman magiging masaya sa kanya.

 2. Tawagin mo mga kaibigan mo

Trust me! Ang kaibigan lang ang nakakatulong sa atin para maka move on agad tayo. Sa kanila lang natin masasabi ang mga sakit sa puso na nararamdaman natin. Sila lang ang laging nanjan para suportahan tayo kung malungkot at kung may problema tayo. You don’t have to go through this alone.

May mga panahon talaga nga nakakalimutan natin ang ating mga kaibigan dahil nag karoon tayo ng relasyon. Bagamat ay alam natin sa ating mga sarili na hindi tayo pababayaan ng ating mga kaibigan. Sila ang makakatulong sa atin para tayo ay maka move on and this will strengthened friendships.

3. iReduce mo ang pag contact or pag communicate sa kanya

Importante talaga ang pag putol sa communication ninyo para naman hindi ka masaktan sa mga maririnig, makikita or malalaman mo sa kanya. Alam mo ba na kapag tatawagan ka o mag text man siya sayo ay mabubuhay nanaman ang dugo mo sa kanya at sabihin mo na may pag-asa pa kayong magkabalikan. Martyr kalang hindi TANGA! Ginagawa nila yan para mahirapan ka mag move on. Wag kang ma inlove  ulit kung mag text siya sayo na “Kumusta ka na?, Miss na kita at I love you”  kasi isa lang yang trap para mahirapan ka talagang mag move on.

Ang pag iwas mo sa kanya ang madaling paraan para mapabilis ang pag move on mo sa kanya. Pero wag ka umiwas dahil mahal mo pa siya, umiwas ka dahil ayaw muna! yan ang lagi mo tandaan.

4. Isipin mo na di ka talaga niya mahal

Sa maniwala man kayo o hindi mabilis ako naka move on, dahil ginawa ko talaga yan. Inisip ko kasi na nag hiwalay kami dahil di niya talaga ako minahal at niloko niya lang ako. Nakakatulong yan para mabilis siya mabura sa puso’t isip mo dahil mabilis natin natatanggap kapag alam nating walang mali sa atin. Isipin mo sila ang may problema at isipin mo na hindi talaga kayo ang right match at di talaga siya para sayo.

5. Makipag kilala ka ng bagong tao

Hindi porket nasaktan ka ay takot ka na mag hanap na iba? Wag mo isipin na lahat sila manloloko kasi hindi lahat pareho. Meeting new people, friends or romantic potentials alike, reminds how there is a whole world out there. Mas marami pang mga deserving na tao para sayo na naghihintay na dumating ka sa buhay nila at mamahalin ka. May mga tao na deserving sa pag mamahal mo kaya wag kang magpaapekto sa mga masasamang nangyari sayo.


Yan ang 5 useful steps na makakatulong sa inyo para madaling maka move on. I just want to share my steps para maka move on kayo. Kasi marami na akong nakikita o kaya ay nababasa sa facebook o twitter about trying to move on kaya na isipan kong na gumawa ng steps on how to move on. Sana po makatulong ito sa inyo para magkaroon kayo ng bagong buhay at bagong love life.

Just leave a comment kung may gusto kayong idagdag sa steps na ginawa ko!

SPREAD THE LOVE!

 

12 thoughts on “Paano Ba Talaga Mag Move On?

  1. MARK DEAN says:

    Good job idol….No.6….Pray hard..Remember,,,Do not be afraid to move on because God is busy writing the best love story for you..

    Reply
  2. Ninyeah says:

    Good Job ! Another way to enjoy our leisure time. Reading your blogs , watching your videos. 😉

    Reply
  3. dimpol says:

    thanks po!!! im working on it right now. ang hirap kasi we’ve been together for almost 9years. actually 8 loving years. hnd q na kz kinonsider tong last year namen. coz this is the crucial part. . 10 months na kameng hnd ok. 6 months na since humingi aq ng cool off. at almost a month na yung official break up. naniniwala aqng mkaka move on din kme pareho.

    Reply
    1. batmankevinz says:

      Hello Dimpol 🙂
      Alam ko makaka move on ka rin . Sundin mo lang ang mga steps na ginawa ko nung nag gusto ko ring mag move on 🙂

      Reply
  4. SJ Barnt says:

    Commendations for your great article. Applause.

    Being inclined in cresting different contents e.g. love articles, hugot lines and the likes, I’d like to try my luck of working with you. That is, sending you my original works, and that’s for free. I mean it. If you don’t mind such, feel free to respond through my e-mail address or even my facebook account.

    God bless. 🙂

    Reply
    1. batmankevinz says:

      Hello! Sige po. Masaya akong tatanggapin ka 🙂 Ano ba facebook mo?

      Reply
  5. Marie Joy Lausin Grospe says:

    Nabasa ko at totoong nakakatulong nga.
    Tapos habang binabasa ko nakakatawa kasi tango ako ng tango parang tanga kasi feeling ko nakaka relate? Nakakarelate kasi di ko alam siguro kasi ilang beses ko ng ginawa yung step 1 pero kapag bumalik yung tipong makakalimutan ulit na nag monove on pala ako (≥∀≤)/ .
    Tapos maiinlove na naman ulit ako tapos bigla na namang mawawalang parang bula. Nakakaiyak ngaXD. I can say na hindi ako tanga nagmamahal langXD.

    Ngayon susubukan ko na lahat yung buong steps nayan nakaka inspired lang. KUNG KAYA MO KAYA DIN NAMIN, SALAMAT! (≥∀≤)/

    Reply
    1. batmankevinz says:

      Hello Marie Joy 🙂
      Salamat at nakatulong ang ginawa ko sayo .
      Basta isipin mo hindi siya para sayo! hehehe

      Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *